Labingwalong Taon

Tanging Dios ang may alam
Kung hanggang saan, hanggang kailan

Buhay nati’y marupok
Kaya’t samantalahin habang di pa tuldok

Gumawa ng mabuti
buhay na hiram ipagsilbi

May awa ang Dios
buhay mang taglay ay paupos

Ang Dios ay pagibig
Mga salita Niya’y aliw upang sa pananampalataya’y di manlamig

Kapit ng mahigpit
Wala ng luha, isang araw ay sasapit

Umasa sa Dios Ama
Siya na ang bahala

Ipaling ang paningin sa Panginoong HesuKristo
sa Kaniya, kailanma’y, di tayo mabibigo

At ating pakatandaan 
May Espiritu Santong sugo ng Dios na pang-aliw, anoman ang ating pagdaanan

Milyong salamat sa Dios sa labingwalong taon sa ilalim ng Kaniyang pag-iingat!

Advertisement

Published by angelaborromeo

Biblically amazed!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: